Saturday, July 28, 2012

GULAY GULAY GULAY

"Pagkain ng Gulay Ugaliin, Araw-araw Itong Ihain"
                'Makulay ang buhay sa sinabawang gulay" ito'y kinuha ko mula sa isang patalastas sa telebisyon na nangangahulugan na dapat tayong kuamain ng gulay para mas matamasa natin ang maganda at mahabang buhay dito sa ibabaw ng lupa . Kailangan ba talagang kumain tayo ng gulay ?            
               Ang gulay ay ang pinakamasustansyang kainin para maging malusog,bibo at maging matalino .Kailangan nating kumain ng gulay dahil ito'y nakatutulong sa pagpapaganda ng daloy ng dugo . Sa magandang daloy ng dugo ay nakakapagpanormal ng presyon ng dugo at ang gulay ay mas mabuti kaysa sa chicheria,karne at taba . Ang mga pagkain na iyon ay hindi nakakabuti sa ating katawan lalo na ang chicheria na nagbibigay lang ng sakit at hindi pa nkakapagpalusong . Kaya mommy,mama at nanay ano pa ang ginagawa niyo ? Ihain na natin ang napakasarap na gulay para si panganay,bunso at mga kasapi ng pamilya ay maging healthy.
               Nakamura ka na nga sa pagbili ng ihahaing gulay naging malusog ka pa!

No comments:

Post a Comment